September 2010
M T W T F S S
« Nov    
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  

Sponsored Links

chooooose me ;)

Jonnell Mangeronbadge.gif

Recent Photo

Message Board

used stationary bikes:

nice blog boss…

indonesia furniture handicraft wholesale marketplace:

Do not forget to always visit the Indonesia furnitur

Microstore Financement:

cool blog…

livefatdieyoung:

Update me! Wala ako ma gets sa mga posts haha maliban syempre sa make or brek thing :)

livefatdieyoung:

Ang tagal ko pala hindi nabisita ito. Isama kita sa blog roll ko :)

choosymotherschoosechonnel:

2010.

Bats!:

Bats!

choosymotherschoosechonnel:

haha! oo na sa akin dvd mo, di ko man lang natapos season 3 haha! grr

sexy:

in fairness, aminado ka!haha! read tusdays baka mainspired ka!hahaha!

sexy:

LOL:D prisonbreak 3.5!

choosymotherschoosechonnel:

hoy, busy kasi ako last week tapos naadik pa ako sa plants vs zombies. meron na nga ako draft. nakakatamad lan tapusin. mamaya siguro madaling araw. hehe

chepar:

hoy tamad na blogger

moderated: yung comments inaapprove pa

choosymotherschoosechonnel:

hehe mab, aku din, malimit magtake ng happypill mo hehe :p

choosymotherschoosechonnel:

panong moderated? di ko alam un eh. haha. wala ako alam dito haha

happypillchoker:

napadaan chonel haha

chepar:

arte mo ha, moderated pa ang comments!

choosymotherschoosechonnel:

welcome!

support:

Congratulations, you’ve just completed the installation of this shoutbox.

support:

Hi! Your shoutbox is working fine!

Leave a message ▼
There may not be another way to your heart so i guess i'd better find a new way in. ;)

i think this should have been two seperate posts

August 20, 2009

 

 

Tambak na ang mga series na gusto at dapat kong panoorin. Pati mga libro na babasahin (not so acads, novels haha :p ), e tambak na rin. Walang mangyayaring pagbabago kung di gagalaw. so sisimulan ko na. Nakahiram na ako ng isa sa mga libro na interested akong basahin (salamat kay steph!). woohoo! at ito ay ang “The Time Traveller’s Wife”. Mukha namang maeenjoy ko itong basahin at mabilis ko lang matatapos. Sobrang cheesy daw nito sabi ng mga tao. makikita naten. sakto kelangan ko pa naman ng lahat ng kacheesyhan sa mundo. hahaha. Sa sembreak ko na lang papanoorin yung mga TV series since mas madali manood sa mga panahong iyon. eto nga pala ang list ng mga gusto ko basahing novels, at mga series na gustong tapusin.

NOVELS:

  • Tuesdays With Morrie
  • Lovely Bones
  • Five People You Meet in Heaven
  • The Witch of Portobello
  • Angels and Demon (argh, tagal na!)
  • Pride and Prejudice
  • Memoirs of a Geisha
  • Deception Point
  • Fight Club
  • Digital Fortress
  • The Devil Wears Prada
  • American Psycho
  • Blink

                                                                                                                                                                      

TV SERIES:

  • Kyle XY 2
  • Gossip Girl 2
  • Prison Break 3.5 - 4
  • Heroes 2 - 3
  • Chuck 1 - 2
  • House (!)
  • Leverage
  • That 70’s Show (all season except 1 & 2. lol!)
  • Bones
  • Harper’s Island


WOOOOOOOOOOOOOO!

sabi sa inyo, tambak na eh. kalimitan pa ng series jan eh lagpas isang taon ko na huling napanood yung last. tsk tsk. pero iisa-isahin natin yan hanggang maubos. hehe. Kapag natapos ko na ang timetraveller’s, sa tingin nyo, anong magandang basahin? (magsuggest kayo at magcomment ΓΌ) parang pinagpipilian kong sunod na basahin e lovely bones, tuesdays, or Five People. at hindi lahat ng novels at series jan eh meron na akong copy kaya magcomment din kayo kung meron kayo copy at willing nyo ipahiram sa akin sa future (one book/series at a time lang naman ang hihiramin ko).

Mas okay na ito kesa inom lang ng inom! err. mali. rephrase natin.

take 2.

Syempre mas okay pa rin ang pag-iinom! woohoo. pero mas okay na ang may ibang masayang ginagawa kesa mag-iinom lang. diba nga sabi ko nga kay Ms. Plain eh kung paulit ulit at pare-pareho lang eh hindi imposibleng magsawa ang tao. (pero i doubt na magsasawa ako mag inom! haha). tsk tsk, exposure ka na naman miss ewan! jan ka magaling!

ano pa ba. uhm, kung meron din kayong maisasuggest pa na ibang novels at series eh sabihin nyo lang. ayos yon. :)

 Yan! Simulan na mamaya basahin ang The Time Traveller’s Wife. Oye!

hmmm.

time traveller.

malimit maencounter ang mga tanong na “kung bibigyan ka ng pagkakataon bumalik sa nakaraan, gagawin mo?”, “kelan ka at saang kaganapan ka babalik?”, “kung bibigyan ka ng pagkakataong itama ang isang pagkakamali sa nakaraan, gagawin mo ba? alin at bakit?” at kung ano ano pang mga tanong na may kaugnayan sa pagbalik sa nakaraan. Iba iba ang mga nakikita kong sagot. Merong oo, merong ayaw. meron din namang kunwari pang ayaw pero ooo rin sa huli, at meron din naman hindi daw nila alam ang sagot nila. Marami silang dahilan kung bakit ganun ang sagot nila. bawat isa, may rason kung bakit yun ang napili nila. meron bang tamang sagot dito?? hindi ko alam.

Ang konsepto nang time travelling eh hindi pa napapatunayan. walang pang solid evidence (correct me if i’m wrong) na posible nga itong mangyare. although may mga ilan na naniniwala rito to the point na sigurado silang nangyayari ito. So sa ngayon pwede kong sg sabihin na “wag na lang bumalik, kasi imposible naman iyon”

Ang nangyari, ay nangyari na. Hindi ka na dapat magmukmok jan dahil sa mga maling ginawa mo o sa mga maling desisyon, at humiling na sana eh maitama mo pa ang pagkakamali mo. Kung sana nung simula pa lang eh pinag-isipan mo nang mabuti ang mga bagay bagay, e di sana eh walang maling nangyari at hindi ka nagsisisi jan.

Sa bawat karanasan natin, gaano man kaganda o kapangit, eh may nkukuha tayo. hindi masamang humiling ng imposible (or ng posible) paminsan minsan. basta wag lang tayong magiging greedy. ang pinakamagandang solusyon sa lahat ay tanggapin ang mga pangyayari at umisip at gumawa ng paraan para makamit ang best possible result.

Isa pa. isipin nating posible nga ang mag timetravel. hindi naman pepwedeng sa dami ng tao sa mundo, eh ikaw lang ang pwedeng gumawa nito (unless ikaw ang nakimbento ng paraan at ikaw lang ang may alam kung papano). Kung lahat ng tao eh bumabalik sa nakaraan, magiging magulo ang buhay natin. Sobrang gulo. Bibigyan kita ng simpleng halimbawa. Si hayley ay bumili ng candy. ng isusubo nya na ito ay nalaglag ito sa lupa. Naisipan mong magtimetravel para magpakabayani sa harap ni Hayley at saluhin ang candy bago ito lumagpak sa lupa. magaling! eh papano kung sa parehong oras ay naisipan din ni hayley na bumalik sa mas maagang oras at wag na lang bumili ng candy para wala na lang malaglag? Anong mangyayari? ewan, magulo. pano kung mas komplikado pa kesa sa nalaglag na candy lang? eh di lalong mas magulo. magiging sobrang komplikado ng buhay. at syempre hindi mawawala ang mga sugapa at makasariling tao na aabusuhin at tatalamakin ang pag time travel para lang sa masasamang mga reasons. tsk tsk tsk. At marahil kung bakit hindi hinayaan ni God na maging normal na bagay ang pag time travel (atleast, for now), masasabi kong itoang reason nya. ang pagiging komplikado at masama ng mga tao ang dahilan.

 

Ayan lamang ang mga ilang posibleng sagot kung bakit hihindi ang isang tao sa pagbalik sa panahon.

Ano naman kaya ang dahilan kung bakit may ilang gustong bumalik?

 

Maaring imposible nga na magtime travel. Pero maari ring posible. at ang curiuosity ng tao ang isa sa mga dahilan kung bakit benta ang konseptong ito. “pano nga naman kung nakabalik ako sa nakaraan?”. maraming pwedeng isagot dito gamit ang ating mga isip at imahinasyon. at ang mga sagot sa tanong na iyon ang nagbibigay ng dahilan kung bakit umaasa o naniiwala ang mga tao sa pagtimetravel. o nagbibigay ng lakas sa kanila para pagsikapang humanap ng paraan para magawa ito. bakit, naisip ba dati ng mga tao na kaya nating maglakbay papuntang outer space? Eh dati nga, walang alam ang tao tungkol sa outer space eh. maraming mga taong hindi naniwalang mangyayari ang paglalakbay dito. pero meron rin namang mga tao na sa palagay nila e posible ito. NANIWALA SILA. may matinong eksplanasyon man sila o wala. at anong nangyari? diba sa huli, may nakagawa. napatunayan nilang posible! kaya sa ngayon, libo-libo mang rason ang ipakita mo kung bakit imposible ang magtimetravel, eh wala kang karapatang sabihin ito. eh pano kung mali ka? kagaya ng mga taong nagsabi dati na hindi tayo makakapaglakbay sa outer space.

Hindi maiiwasan sa buhay ng tao ang maka-experience ng masasamang karanasan. gano mo man iapayo sa iba na wala na magagawa eh hindi maiiwasan ng tao na mahirapan o matagalang makaget over sa mga ganitong karanasan. mahirap kalimutan ang mga ganitong bagay. mahirap tanggapin. hindi lahat ng tao ay malakas ang loob para tumayo kaagad-agad sa pagkakadapa. At ang sakit na ito ang isa sa mga dahilan kung bakit gusto ng isang taong bumalik sa nakaraan para itama ang mga pagkakamali. kung bibigyan ka nga naman ng chance na hindi maranasan ang ganitong kasaklap na bagay eh bakit mo nga naman hindi gagawin diba? ang mahalaga lang eh maging resonable tayo at maging matalino kung saan dapat maniwala o san hindi.

At syempre hindi mawawala ang rason na, wala lang, mukhang masaya. para lang matry at maexperience. hindi ito imposible sa takbo ng isip ng mga tao. marami tayong ginagawa pero wala naman talaga tayong dahilan. diba.

 

so ikaw, alin ka dito? babalik ka ba o hindi?

ako sa totoo lang. hindi ako magdadalawang isip bumalik. andami kong gusto itama. andami kong mga nasaktan na tao na sana ay hindi ko nasaktan. oo, medyo may pagkasarili ang kahilingan kong ito. kasi wala akong karapatang humiling ng mga ganitong bagay. andami ng mga binigay saking pagkakataon. pero anong ginawa ko? paulit ulit ko lang itong sinasayang at binabaliwala. tapos ngayon hihingi ako ng pagkakataong maulit ang mga ito? hoy chonnel. isa lang masasabi ko sayo. ang kapal ng mukha mo!

alam ko ito. pero ako ay tao lamang, hindi perpekto, maraming flaws. kaya nga humahanga ako sa mga pumipiling wag na lang bumalik. kahit na hindi rin naman ganun kaganda ang kanilang kasalukuyang estado. kahit na marami rin sila napagdaanang paghihirap sa nakaraan. kahit na ganito, tanggap nila kung anong meron sila. hindi naman sa hindi ako satisfied sa buhay ko ngayon. pero hindi mo pa rin maiaalis na minsan eh may gusto pa tayong maidagdag sa ating buhay. buong lakas ko ngang masasabi sayo na masaya naman ako sa kung anong meron ako. at masasabi ko ring, hindi ako karapat-dapat sa mga bagay na ito. hindi ako deserving na magkaron ng mga mabubuti at mapagmahal na kaibigan. hindi ako deserving na magkaron ng talino dahil sinasayang ko lang ito. hindi ako deserving na maging iskolar ng bayan sa dami ng subjects na binagsak ko. at lalong lalo na, hindi ako deserving magkaron ng mga masisipag at mabubuting mga magulang. ito ang aking dahilan kaya kahit gaano ako hindi kadeserving humiling na makabalik sa nakaraan, eh gusto ko pa din. GUSTO KONG ITAMA ANG MGA PAGKAKAMALI AT IAYOS ANG BUHAY KO HINDI DAHIL SA AKIN, KUNDI SA MGA TAONG NASAKTAN KO. SA MGA TAONG DINISMAYA KO. SA MGA TAONG NAGTIWALA SA AKIN NGUNIT BINIGO KO.

 

hindi ito part ng nakaplano ko isulat. hindi ko alam kung paano napunta sa ganito ang blog kong ito. posible sigurong bumalik ako sa nakaraan, mga ilang minuto lang, para hindi ko nasabi ang mga ito, pero hindi na, wag na lang. masaya ako na nailabas ko ang mga ito. na sa wakas eh nagkaron ako ng lakas ng loob na sabihin ito.

 

yeah! :)

Posted by choosymotherschoosechonnel at 12:29 am | permalink | comments[3]