Home » Tags
Ms. Turner/Secondhand Dreaming [10-04-09]
October 4, 2009
nakaupo ako sa malapit sa basketball court ng biglang may kumausap sa akin na isang stranger na katabi ko. babae. cute naman haha. ipinakita niya sa akin ung tsinelas nyang magkaiba. isang havaianas sa left, at isang pampatangkad slippers (ung makapal at mabibigyan ka ng extra 2-4 inches na height haha) sa right. so para hindi naman magmukhang rude at snob eh pinansin ko siya at tinanong kung bakit ganun. wala lang daw, trip niya lang daw, sabay pakita nung mga tamang kapares nang dalawang magkaibang tsinelas na suot niya. and then ayun, nag-usap kami at tumawa at nagusap at tumawa. sinu ba tong babaeng to ha? di ku pa nga alam pangalan nya eh nagagawa kong tumawa kausap siya. parang may connection kagad. may spark daw ba kumbaga haha. malapit na matapos yung naglalaro ng basketball at kami na ang sunod. balak ko kunin ang name at ang cellphone number niya bago kami maghiwalay if ever sa course ng pag uusap namin eh hindi pa namin nagagawa. excited na akong magbasketball, isang buwan na ko hindi nakakalaro eh. pero at the same time ayoko pa. kasi ibig sabihin eh end na ng usap namin ni miss stranger. at ayun na nga, kami na. nagpaalam na ako ko sa kanya. at ng tatanungin ko na ang pangalan niya at ang number nya, all of a sudden nateleport ako sa kwarto ko, nakahiga, mag-isa. damn! hindi ko nakuha yung pangalan. tae! wala na siya. f*ck! nananaginip lang pala ako!





