Home » Archives » September 2009
deal or no deal?
September 17, 2009gusto kong makipag-usap pero di ko alam kung gusto mo pang makipag-usap.
dapat pa akong magsorry para sa ilang mga bagay. oo, sa ilan lang, hindi sa lahat.
hindi naman kasi lahat ng nalaman mo ay tama. hindi ba mas ayos marinig ang kwento first hand?
i’m not expecting na mawala galit mo after mag-usap, pero hindi ba mas okay magalit sa isang bagay na totoo, kesa magalit sa isang bagay na walang katotohanan?
ampanget naman kung matatapos ng ganito ganito na lang.
so aun. gusto ko makipag-usap para makapagsorry sa mga bagay na dapat ika-sorry, at para malinaw ang bagay bagay.tapos mula dito, okay lang sakin kahit ano na mangyari.
diba nga, ituwid ang mga baluktot. itama ang mali.




