Home » Post Item » High Risk, High Reward. (be wise)
High Risk, High Reward. (be wise)
August 18, 2009nung isang isang gabi pa ako walang maisip na next topic. ayoko na munang related sa mga nakaraang entry ang isusulat ko! sumosobra na exposure mo Miss Plain, baka sumikat ka pa niyan. saka besides, nagkakatotoo na yung mga nakasulat duon, nagsasawa na ako. TEKA. nagiging ikaw na naman ang topic, madaya ka talaga. HEP!
ayan.
ahem.
habang naglilipat lipat ako ng channel kanina eh nakita ko na naman si Jeff hardy. Si Jeff nga pala ay isang wrestler at siya ang paborito ko mula pa nung maging fan ako ng wrestling noong ako ay first year highschool pa lamang. Bilang wrestler, kilala siya sa mga high risk, high reward na mga moves. sa aking buhay marami na rin akong karanasan pagdating sa “risk”. Lalo na na medyo naging part na ng buhay ko ang magsugal once in a while. Mahjong, Poker, Tong-its, Pusoy at iba pang mga sugal ay maalam ako. Sa mga larong ganito eh hindi maiiwasang hindi makipagsapalaran. Minsan panalo. Minsan talo. Pero ganun talaga, sumugal ka eh, dapat i-eexect mo na ang mga possibilities na pwedwng mangyare. At ito ay maihahalintulad mo sa tunay na buhay. Hindi komo malake ang chance eh, mangyayare na. at hindi komo maliit ang chance, eh hindi na mangyayare. Ito ang dahilan kung bakit may mga taong pilit umaasa sa isang bagay kahit alam nilang mababa lang ang chance na mangyare ito (ahem!). kasi nga “posible”. kaya nga maraming nahuhumaling tumaya sa lotto. kahit na gaano kahirap makuha ang milyon-milyong jackpot eh tumataya pa din sila. eh malay mo nga swertehin ka at manalo ka diba.
Meron din naman mga taong hindi mo maintindihan. Sobra ang kaswapangan. Gusto nila sa kanila na lang lahat. Gusto nila eh sila na lang ang laging panalo. kahit nakakapang-apak na sila ng ibang tao. hay nako.
Ako, hindi ako perpektong tao. Marami akong mga pagkakamali sa buhay ko. Marami akong nagawa na pinagsisisihan ko at sana ay hindi ko na ginawa. Marami akong pagkakataong sinayang. Maraming isinugal na pinatalo. Gayunpaman, hindi ka dapat tumigil dito. Parte ito ng buhay. Imbis na manatili ka sa maling lugar. gumalaw ka para mapunta sa tamang daan. Kumilos ka. Ang pinakapinanghihinayangan ko ngayon eh bakit kelangan ko pa ng sandamakmak na pagkakamali para lang mamulat ang aking mga mata.
Kumpara dati, masasabi ko sa sarili ko na nagbago na ko kahit konti. Iba na ako mag-isip. Iba na ako gumalaw. Hindi na ako sumusugal basta basta. Hindi na ako nasisilaw kahit gaano kaganda ang premyong kapalit kung meron na naman akong sapat. pano kapag natalo ka, eh di nawalan ka pa. Halimbawa, Meron kang 500 Billion US dollars. itataya mo ba lahat yon para sa tyansang manalo ng 999 Trillion US dollars sa chance na 50-50?? OO anlaking upgrade nang 500 billion to 999 trillion. pero diba sapat na naman ang 500 billion para mamuhay ka ng bonggang bongga?? at papano kung matalo ka? eh di meron ka na lang WALA! malaki din ang pagkakaiba ng zero sa 500 billion! pero hindi pa rin mawawala ang mga taong sobrang sugapa na itataya ang kanilang 500 billion. at iyon ay hindi ko na kayang ipaliwanag.
Hindi masamang sumugal! Pero dapat alam mo kung san susugal at saan hindi. maging matalino po tayo sa mga gagawin nating desisyon. wag tularan si chonnel
sana lang e kahit papano eh namulat ang inyong mga mata. Bawat gagawin natin eh may consequence, mabuti man ito o masama. natural lang na magkamali minsan, pero kung paulit ulit kang nagkakamali sa parehong bagay eh baka panahon na para suriin ang inyong sarili. Baka may kelangan na kayong baguhin o maunawaan.
Ang buhay mo ay nakasalalay sa mga pipiliin mong mga desisyon.
Ang payo lang sa inyo ni chonnel eh,
CHOOSE WISELY
Previous Comments
yeah. play right. play fair
oo, dapat wag maging mapagsamantala ![]()
minsan naman kasi ang problema e dun sa dehadong tao. alam na na pinagsasamantalahan sila eh go pa din. syempre si mapagsamantala tuloy lang. tsk tsk.
palagi ko naririnig yung bagong version daw ng “kung gusto may paraan” ===> “pag gusto, BIGYAN.”
ayan, minsan pag obvious na gusto binibigyan nga naman. kahit wala sa lugar. kaya ang panget talaga ng nagmumukhang desperado haha. kahit agrabyado naman go pa din. settling for less is bull
haha di ko alam kung pareho tayo ng kontexto.
)
yung mga gusto talagang mabigyan eh todo nagpapakaobvious na gusto nila para mabigyan sila. eh malimit naman, sila yung nagsisisi sa huli sa mga kalokohang pinaggagawa nila. IMO, mas miserable pa nga yang mga nagpapagamit kesa sa mga mangagamit eh. hehe
Posted by choosymotherschoosechonnel at August 18, 2009, 10:59 amgrabe serious conversations:) haha!
Posted by sexy at August 20, 2009, 10:25 am





“Hindi masamang sumugal! Pero dapat alam mo kung san susugal at saan hindi.”
I agree
Masama din naman ang laging playing safe pero sa kahit anong laro dapat wala ka naapakan na tao. Okay lang kung kumpitisyon, kung patas ang laban
pero kung may isang alam mong dehado sa simula pa lang, baka nagsasamantala ka na
Ito lang ang sequence dyan: maunawaan, umaksyon, magbago. Useless ang realization kung walang action.
Apir chonnel
Posted by happypillchoker at August 18, 2009, 3:42 am