Home » Archives » August 2009
doubtful apathetic liar
August 25, 2009taks: pili ka, ne-yo or chris brown?
paning: ne-yo
taks: haha ne-yo = magpopoker ako, c. brown = hindi
paning: haha. dinadaya mo ata resulta eh.
taks: hindi ah, nag-aassign na ako bago kita papiliin. walang kwenta kung dadayain, magiging pointless kapag ganun.
paning: haha kunwari totoo na nga
taks: blah blah (basta i ended up explaning, etc)
* basta mula sa pagdududa ni paning, andami ku nashare tungkol sakin na related dito. kung san san na napunta yung usap.
**ung mga words sa conversation na ito, hindi exact. edited na. nalimutan ku na eh. pero more or less ganyan yung takbo ng usap.
***i-eexplain ko sa isa sa susunod na entry kung anu itong tanungan na ito. ung mechanics at purpose at etc,
****i-eexplain ko naman kung bakit ko shinare itong convo na ito after mo basahin itong irerepost kong old blog mula sa multiply ko.
________________________________________________________________________________________
LOUDER NOW - LIAR (It Takes One To Know One)
07 04 09
People should be doubted.
Many people misunderstood this concept.
Doubting people is simply a part of trying to get to know them.
TRUST. This act without a doubt is a very noble one.
But you know, what many people do that they call “trust”,
is actually giving up on trying to understand others.
And that has nothing to do with “trust”,
but is rather,
apathy.
There are countless people out there who fail to realize that apathy is far more devastating act than doubting others.
I got to see a lot of terrible people doing bad things.
but the worst of them all were the ones who really believed that they were doing good, when they were actually deceiving others.
They don’t have the slightest clue what they were doing.
Simply because they were trying to avoid picturing just how much pain they were inflicting others by their actions.
Not giving it a single thought,
a state of complete apathy.
The true evil is,
becoming apathetic about other people.
Question them, suspect them, and take a good, long look into their hearts.
Humans are the kind of beings that can’t put their pain into words after all.
~liar game~
________________________________________________________________________________________
ayan. yung conversation sa taas eh isa sa mga proof dun sa line na “Doubting people is simply a part of trying to get to know them.” dahil nagduda sa akin si paning, nag end up na marami siya nalamang bagong bagay tungkol sa akin nung inexplain ko sa kanya na nagsasabi ako ng totoo. naniniwala ako sa mga nakasulat sa taas. (hindi lang sa doubt, pati na din yung tungkol sa apathy and all). although hindi ito always true. basta. hindi pa ko tapos sa konseptong ito, marami pa ako inaalam at tinetest. sa ngayon eh, eto na lang muna. natuwa lang ako at nakakita ako ng proof na pwede ito. hehe. bye
i think this should have been two seperate posts
August 20, 2009

Tambak na ang mga series na gusto at dapat kong panoorin. Pati mga libro na babasahin (not so acads, novels haha :p ), e tambak na rin. Walang mangyayaring pagbabago kung di gagalaw. so sisimulan ko na. Nakahiram na ako ng isa sa mga libro na interested akong basahin (salamat kay steph!). woohoo! at ito ay ang “The Time Traveller’s Wife”. Mukha namang maeenjoy ko itong basahin at mabilis ko lang matatapos. Sobrang cheesy daw nito sabi ng mga tao. makikita naten. sakto kelangan ko pa naman ng lahat ng kacheesyhan sa mundo. hahaha. Sa sembreak ko na lang papanoorin yung mga TV series since mas madali manood sa mga panahong iyon. eto nga pala ang list ng mga gusto ko basahing novels, at mga series na gustong tapusin.
NOVELS:
- Tuesdays With Morrie
- Lovely Bones
- Five People You Meet in Heaven
- The Witch of Portobello
- Angels and Demon (argh, tagal na!)
- Pride and Prejudice
- Memoirs of a Geisha
- Deception Point
- Fight Club
- Digital Fortress
- The Devil Wears Prada
- American Psycho
- Blink
TV SERIES:
- Kyle XY 2
- Gossip Girl 2
- Prison Break 3.5 - 4
- Heroes 2 - 3
- Chuck 1 - 2
- House (!)
- Leverage
- That 70’s Show (all season except 1 & 2. lol!)
- Bones
- Harper’s Island
WOOOOOOOOOOOOOO!
sabi sa inyo, tambak na eh. kalimitan pa ng series jan eh lagpas isang taon ko na huling napanood yung last. tsk tsk. pero iisa-isahin natin yan hanggang maubos. hehe. Kapag natapos ko na ang timetraveller’s, sa tingin nyo, anong magandang basahin? (magsuggest kayo at magcomment ü) parang pinagpipilian kong sunod na basahin e lovely bones, tuesdays, or Five People. at hindi lahat ng novels at series jan eh meron na akong copy kaya magcomment din kayo kung meron kayo copy at willing nyo ipahiram sa akin sa future (one book/series at a time lang naman ang hihiramin ko).
Mas okay na ito kesa inom lang ng inom! err. mali. rephrase natin.
take 2.
Syempre mas okay pa rin ang pag-iinom! woohoo. pero mas okay na ang may ibang masayang ginagawa kesa mag-iinom lang. diba nga sabi ko nga kay Ms. Plain eh kung paulit ulit at pare-pareho lang eh hindi imposibleng magsawa ang tao. (pero i doubt na magsasawa ako mag inom! haha). tsk tsk, exposure ka na naman miss ewan! jan ka magaling!
ano pa ba. uhm, kung meron din kayong maisasuggest pa na ibang novels at series eh sabihin nyo lang. ayos yon.
Yan! Simulan na mamaya basahin ang The Time Traveller’s Wife. Oye!
hmmm.
time traveller.
malimit maencounter ang mga tanong na “kung bibigyan ka ng pagkakataon bumalik sa nakaraan, gagawin mo?”, “kelan ka at saang kaganapan ka babalik?”, “kung bibigyan ka ng pagkakataong itama ang isang pagkakamali sa nakaraan, gagawin mo ba? alin at bakit?” at kung ano ano pang mga tanong na may kaugnayan sa pagbalik sa nakaraan. Iba iba ang mga nakikita kong sagot. Merong oo, merong ayaw. meron din namang kunwari pang ayaw pero ooo rin sa huli, at meron din naman hindi daw nila alam ang sagot nila. Marami silang dahilan kung bakit ganun ang sagot nila. bawat isa, may rason kung bakit yun ang napili nila. meron bang tamang sagot dito?? hindi ko alam.
Ang konsepto nang time travelling eh hindi pa napapatunayan. walang pang solid evidence (correct me if i’m wrong) na posible nga itong mangyare. although may mga ilan na naniniwala rito to the point na sigurado silang nangyayari ito. So sa ngayon pwede kong sg sabihin na “wag na lang bumalik, kasi imposible naman iyon”.
Ang nangyari, ay nangyari na. Hindi ka na dapat magmukmok jan dahil sa mga maling ginawa mo o sa mga maling desisyon, at humiling na sana eh maitama mo pa ang pagkakamali mo. Kung sana nung simula pa lang eh pinag-isipan mo nang mabuti ang mga bagay bagay, e di sana eh walang maling nangyari at hindi ka nagsisisi jan.
Sa bawat karanasan natin, gaano man kaganda o kapangit, eh may nkukuha tayo. hindi masamang humiling ng imposible (or ng posible) paminsan minsan. basta wag lang tayong magiging greedy. ang pinakamagandang solusyon sa lahat ay tanggapin ang mga pangyayari at umisip at gumawa ng paraan para makamit ang best possible result.
Isa pa. isipin nating posible nga ang mag timetravel. hindi naman pepwedeng sa dami ng tao sa mundo, eh ikaw lang ang pwedeng gumawa nito (unless ikaw ang nakimbento ng paraan at ikaw lang ang may alam kung papano). Kung lahat ng tao eh bumabalik sa nakaraan, magiging magulo ang buhay natin. Sobrang gulo. Bibigyan kita ng simpleng halimbawa. Si hayley ay bumili ng candy. ng isusubo nya na ito ay nalaglag ito sa lupa. Naisipan mong magtimetravel para magpakabayani sa harap ni Hayley at saluhin ang candy bago ito lumagpak sa lupa. magaling! eh papano kung sa parehong oras ay naisipan din ni hayley na bumalik sa mas maagang oras at wag na lang bumili ng candy para wala na lang malaglag? Anong mangyayari? ewan, magulo. pano kung mas komplikado pa kesa sa nalaglag na candy lang? eh di lalong mas magulo. magiging sobrang komplikado ng buhay. at syempre hindi mawawala ang mga sugapa at makasariling tao na aabusuhin at tatalamakin ang pag time travel para lang sa masasamang mga reasons. tsk tsk tsk. At marahil kung bakit hindi hinayaan ni God na maging normal na bagay ang pag time travel (atleast, for now), masasabi kong itoang reason nya. ang pagiging komplikado at masama ng mga tao ang dahilan.
Ayan lamang ang mga ilang posibleng sagot kung bakit hihindi ang isang tao sa pagbalik sa panahon.
Ano naman kaya ang dahilan kung bakit may ilang gustong bumalik?
Maaring imposible nga na magtime travel. Pero maari ring posible. at ang curiuosity ng tao ang isa sa mga dahilan kung bakit benta ang konseptong ito. “pano nga naman kung nakabalik ako sa nakaraan?”. maraming pwedeng isagot dito gamit ang ating mga isip at imahinasyon. at ang mga sagot sa tanong na iyon ang nagbibigay ng dahilan kung bakit umaasa o naniiwala ang mga tao sa pagtimetravel. o nagbibigay ng lakas sa kanila para pagsikapang humanap ng paraan para magawa ito. bakit, naisip ba dati ng mga tao na kaya nating maglakbay papuntang outer space? Eh dati nga, walang alam ang tao tungkol sa outer space eh. maraming mga taong hindi naniwalang mangyayari ang paglalakbay dito. pero meron rin namang mga tao na sa palagay nila e posible ito. NANIWALA SILA. may matinong eksplanasyon man sila o wala. at anong nangyari? diba sa huli, may nakagawa. napatunayan nilang posible! kaya sa ngayon, libo-libo mang rason ang ipakita mo kung bakit imposible ang magtimetravel, eh wala kang karapatang sabihin ito. eh pano kung mali ka? kagaya ng mga taong nagsabi dati na hindi tayo makakapaglakbay sa outer space.
Hindi maiiwasan sa buhay ng tao ang maka-experience ng masasamang karanasan. gano mo man iapayo sa iba na wala na magagawa eh hindi maiiwasan ng tao na mahirapan o matagalang makaget over sa mga ganitong karanasan. mahirap kalimutan ang mga ganitong bagay. mahirap tanggapin. hindi lahat ng tao ay malakas ang loob para tumayo kaagad-agad sa pagkakadapa. At ang sakit na ito ang isa sa mga dahilan kung bakit gusto ng isang taong bumalik sa nakaraan para itama ang mga pagkakamali. kung bibigyan ka nga naman ng chance na hindi maranasan ang ganitong kasaklap na bagay eh bakit mo nga naman hindi gagawin diba? ang mahalaga lang eh maging resonable tayo at maging matalino kung saan dapat maniwala o san hindi.
At syempre hindi mawawala ang rason na, wala lang, mukhang masaya. para lang matry at maexperience. hindi ito imposible sa takbo ng isip ng mga tao. marami tayong ginagawa pero wala naman talaga tayong dahilan. diba.
so ikaw, alin ka dito? babalik ka ba o hindi?
ako sa totoo lang. hindi ako magdadalawang isip bumalik. andami kong gusto itama. andami kong mga nasaktan na tao na sana ay hindi ko nasaktan. oo, medyo may pagkasarili ang kahilingan kong ito. kasi wala akong karapatang humiling ng mga ganitong bagay. andami ng mga binigay saking pagkakataon. pero anong ginawa ko? paulit ulit ko lang itong sinasayang at binabaliwala. tapos ngayon hihingi ako ng pagkakataong maulit ang mga ito? hoy chonnel. isa lang masasabi ko sayo. ang kapal ng mukha mo!
alam ko ito. pero ako ay tao lamang, hindi perpekto, maraming flaws. kaya nga humahanga ako sa mga pumipiling wag na lang bumalik. kahit na hindi rin naman ganun kaganda ang kanilang kasalukuyang estado. kahit na marami rin sila napagdaanang paghihirap sa nakaraan. kahit na ganito, tanggap nila kung anong meron sila. hindi naman sa hindi ako satisfied sa buhay ko ngayon. pero hindi mo pa rin maiaalis na minsan eh may gusto pa tayong maidagdag sa ating buhay. buong lakas ko ngang masasabi sayo na masaya naman ako sa kung anong meron ako. at masasabi ko ring, hindi ako karapat-dapat sa mga bagay na ito. hindi ako deserving na magkaron ng mga mabubuti at mapagmahal na kaibigan. hindi ako deserving na magkaron ng talino dahil sinasayang ko lang ito. hindi ako deserving na maging iskolar ng bayan sa dami ng subjects na binagsak ko. at lalong lalo na, hindi ako deserving magkaron ng mga masisipag at mabubuting mga magulang. ito ang aking dahilan kaya kahit gaano ako hindi kadeserving humiling na makabalik sa nakaraan, eh gusto ko pa din. GUSTO KONG ITAMA ANG MGA PAGKAKAMALI AT IAYOS ANG BUHAY KO HINDI DAHIL SA AKIN, KUNDI SA MGA TAONG NASAKTAN KO. SA MGA TAONG DINISMAYA KO. SA MGA TAONG NAGTIWALA SA AKIN NGUNIT BINIGO KO.
hindi ito part ng nakaplano ko isulat. hindi ko alam kung paano napunta sa ganito ang blog kong ito. posible sigurong bumalik ako sa nakaraan, mga ilang minuto lang, para hindi ko nasabi ang mga ito, pero hindi na, wag na lang. masaya ako na nailabas ko ang mga ito. na sa wakas eh nagkaron ako ng lakas ng loob na sabihin ito.
yeah!
High Risk, High Reward. (be wise)
August 18, 2009nung isang isang gabi pa ako walang maisip na next topic. ayoko na munang related sa mga nakaraang entry ang isusulat ko! sumosobra na exposure mo Miss Plain, baka sumikat ka pa niyan. saka besides, nagkakatotoo na yung mga nakasulat duon, nagsasawa na ako. TEKA. nagiging ikaw na naman ang topic, madaya ka talaga. HEP!
ayan.
ahem.
habang naglilipat lipat ako ng channel kanina eh nakita ko na naman si Jeff hardy. Si Jeff nga pala ay isang wrestler at siya ang paborito ko mula pa nung maging fan ako ng wrestling noong ako ay first year highschool pa lamang. Bilang wrestler, kilala siya sa mga high risk, high reward na mga moves. sa aking buhay marami na rin akong karanasan pagdating sa “risk”. Lalo na na medyo naging part na ng buhay ko ang magsugal once in a while. Mahjong, Poker, Tong-its, Pusoy at iba pang mga sugal ay maalam ako. Sa mga larong ganito eh hindi maiiwasang hindi makipagsapalaran. Minsan panalo. Minsan talo. Pero ganun talaga, sumugal ka eh, dapat i-eexect mo na ang mga possibilities na pwedwng mangyare. At ito ay maihahalintulad mo sa tunay na buhay. Hindi komo malake ang chance eh, mangyayare na. at hindi komo maliit ang chance, eh hindi na mangyayare. Ito ang dahilan kung bakit may mga taong pilit umaasa sa isang bagay kahit alam nilang mababa lang ang chance na mangyare ito (ahem!). kasi nga “posible”. kaya nga maraming nahuhumaling tumaya sa lotto. kahit na gaano kahirap makuha ang milyon-milyong jackpot eh tumataya pa din sila. eh malay mo nga swertehin ka at manalo ka diba.
Meron din naman mga taong hindi mo maintindihan. Sobra ang kaswapangan. Gusto nila sa kanila na lang lahat. Gusto nila eh sila na lang ang laging panalo. kahit nakakapang-apak na sila ng ibang tao. hay nako.
Ako, hindi ako perpektong tao. Marami akong mga pagkakamali sa buhay ko. Marami akong nagawa na pinagsisisihan ko at sana ay hindi ko na ginawa. Marami akong pagkakataong sinayang. Maraming isinugal na pinatalo. Gayunpaman, hindi ka dapat tumigil dito. Parte ito ng buhay. Imbis na manatili ka sa maling lugar. gumalaw ka para mapunta sa tamang daan. Kumilos ka. Ang pinakapinanghihinayangan ko ngayon eh bakit kelangan ko pa ng sandamakmak na pagkakamali para lang mamulat ang aking mga mata.
Kumpara dati, masasabi ko sa sarili ko na nagbago na ko kahit konti. Iba na ako mag-isip. Iba na ako gumalaw. Hindi na ako sumusugal basta basta. Hindi na ako nasisilaw kahit gaano kaganda ang premyong kapalit kung meron na naman akong sapat. pano kapag natalo ka, eh di nawalan ka pa. Halimbawa, Meron kang 500 Billion US dollars. itataya mo ba lahat yon para sa tyansang manalo ng 999 Trillion US dollars sa chance na 50-50?? OO anlaking upgrade nang 500 billion to 999 trillion. pero diba sapat na naman ang 500 billion para mamuhay ka ng bonggang bongga?? at papano kung matalo ka? eh di meron ka na lang WALA! malaki din ang pagkakaiba ng zero sa 500 billion! pero hindi pa rin mawawala ang mga taong sobrang sugapa na itataya ang kanilang 500 billion. at iyon ay hindi ko na kayang ipaliwanag.
Hindi masamang sumugal! Pero dapat alam mo kung san susugal at saan hindi. maging matalino po tayo sa mga gagawin nating desisyon. wag tularan si chonnel
sana lang e kahit papano eh namulat ang inyong mga mata. Bawat gagawin natin eh may consequence, mabuti man ito o masama. natural lang na magkamali minsan, pero kung paulit ulit kang nagkakamali sa parehong bagay eh baka panahon na para suriin ang inyong sarili. Baka may kelangan na kayong baguhin o maunawaan.
Ang buhay mo ay nakasalalay sa mga pipiliin mong mga desisyon.
Ang payo lang sa inyo ni chonnel eh,
CHOOSE WISELY
the catch
August 16, 2009“Though we have not hit the ground it doesn’t mean we’re not still falling.”
-nothing lasts forever
[it won’t be soon before long]
06 Maroon 5 - Nothing Lasts Forever
[ o ayan, i-play mo na rin itong swabeng kanta ng Maroon5 habang binabasa mo ito. promise di ka madidismaya, maganda yung song
]
OO! hindi komo hindi pa tayo nalapat sa lupa eh hindi ibig sabihin eh hindi na tayo nahuhulog. at kapag tayo lumapat na sa lupa eh dedo na tayo. katatapusan na. the end. hahayaan mo bang mangyari yon? palagay ko oo. wala ka namang paki diba??
Parang kelan lang eh parang lumilipad tayo sa ulap. masaya.
Bakit ngayon tayo’y pabagsak na? miserable. nag-iintay na lang ng nakatakdang katapusan.
Nagsawa ka na ba? May nakita ka ba na mas masaya kasama lumipad? Sana man lang binigyan mo ko ng warning nang sa gayon ay nakapagdala man lang ako ng parachute or kaya nakatawag man lang sa 911. Sa totoo lang, sa ngayon eh, hindi pa ako sumusuko. Sayang naman kasi kung mawawala na lang ng ganun ganun na lang. Nagdadasal pa din ako na sana ay maligtas pa tayo sa kalagayan nating ito. Pero bahala ka baka magsawa na talaga ako. Lalo na kung ako lang ang nanghihinayang. Lalo na na parang ako na lang ang umaasang maisalba kung anu mang meron tayo. Lalo na kung aku lang ang nag-eefort maligtas tayo habang ikaw ay nakikinig lang ng Nobody sa bago mong iphone na para bang walang nangyayare.
Nothing lasts forever my dear. Hindi lahat ng bagay na pag-aari mo ay mananatili sa iyo. pero gayun pa man, may mga bagay na handa kang ipaglaban para lang maging sa iyo ito ng mas matagal. Pwede kitang ipaglaban, pero magpakita ka man lang ng sign na gusto mong ipaglaban kita. At kung ayaw mo na talaga, SABIHIN MO NA! hindi yung hinahayaan mo lang akong manghula o umasa sa wala.
Oo, you are quite a catch. pero kung patuloy ka ganyan eh pwede namang maghahanap na lang ako ng ibang sasaluhin. lalo na kung meron namang jan na tipong dadamputin na lang. or kung seswertehin pa eh iaabot pa sayo at nakabalot pa sa makulay na giftwrapper.
bilisan mo, tumatakbo ang oras.
PERO.
di pa nga tayo lumalapat sa lupa. meaning, buhay pa tayo. may pag-asa pa. hindi natin alam kung gano katagal pa tayong nasa ere, pwedeng ilang araw, buwan, o taon pa., or pwede ring hanggang ngayon na lang. Pero hangga’t hindi pa eh marami pang pwedeng mangyari. malay mo matupad yung mga dasal ko diba?? pwedeng tubuan na lang tayo basta ng pakpak, o kaya eh makapulot ng parachute sa ere, or baka makita tayo ni Darna at iligtas tayo.
ayoko ng manghula.
ayoko ng makiramdam.
kung hindi ka magbabago, eh baka hindi ko na maintay na lumapat pa tayo sa lupa at ako ay maglaslas na ngayon pa lang ng matapos na.
♪it hurts but it might be the only way ♪
Notes From The Past
August 13, 2009Nakakadismaya ang gabing ito. Napakamalas lang e. at naubos na ang lahat ng mga pwedeng gawing diversions at mga distractions.hindi maiwasang maiisip na naman ang problemang pilit iniiwasan. iniiwasan kasi hndi alam kung pano sosolusyunan. iyon ay kung may solusyon pa nga ba ito.
antanga ko lang kasi talaga noong panahong iyon para isiping katapusan na nang lahat. kung naging kalmado lang siguro ako nun at nag-isip ng mabuti eh hindi sana magkakaganito. hay nako.
isang entry tungkol dito mula sa aking multiply…
Songs About *insert name here* - Must Get Out
may ginawa akong isang bagay. dahil malabo ang pag-iisip ku nung mga panahong iyon dahil sa mga problema, inakala ko na ito ang “dapat” na gawin (although alam ko ng mali ito simula pa lang at against ito sa principles ko). At sinimulan ku na gawin yun at nagagawa naman ito according sa gameplan. Peru ngayong malinaw na ang pag-iisip ko, na-realize ko na antanga ko at naisip kong gawin ito. Alam kong mali ito, peru akala ko kaya kong gawin. akala ko madali lang. Peru hindi pala. Hindi ko pala siya kayang panindigan. Peru late na, medyo irreversible pala ata ito. Although sinadya kong gumawa ng mali para mangyari ang isang bagay, ang bottomline ay mali pa rin ito. ang masama pa nito, AYOKO palang mangyari yung bagay na yun, hindi ko pala kaya. Di ako umaasang maayos ito, pero gusto ko na maayos ito. bahala na.
katulad pa din ng dati. hindi pa rin alam ang gagawin.
From Corny to (Sweet or Hot?) and Spicy
August 11, 2009alas dose ng gabi, ako ay nagutom. so naghanap ako ng pwede makain. wala pa ako sa lagayan ng mga pagkain ay alam ko na ang nasa isip kong kainin. lucky me pancit canton. oye! pero medyo nadissappoint ako. yes, merong pancit canton. pero wala ung flavor na gusto ko. walang plain.
ang choices ko lang ay hot and spicy at sweet and spicy. tough choice. di ko trip ang maaanghang. pinag-iisipan ko kung alin ang mas mag-eenjoy aku kainin. naisip ko din na pwede ring paghaluin ko na lang nang hindi na ako mahirapan mamili. pero kumalam na naman ang sikmura ko, sign na dapat eh pumili na ko at magluto na.
Sweet or Hot?
Sweet! Sorry Hot, she tastes like you only sweeter.
)))))))
yep may kaanghangan din ito pero atleast may ibang lasa, hindi lang maanghang. nang maluto na, eh nasarapan naman ako. hindi pala ganung kaanghang gaya ng inaasahan ko. hindi ito ang unang beses kong nakatikim ng flavor na ito pero mas madalas ko natitikman yung hot and spicy (dahil ito ang paborito ng mga nasa bahay) kaya siguro nagulo ang perception ko sa lasa ng sweet and spicy.
kung nandun lahat na flavors, walang duda na yung PLAIN ung pipiliin ko. pero kung gutom na gutom na talaga ako at walang choice kundi ung hot and spicy (or worse ung super spicy), syempre kakainin ku pa din yon. kesa naman maggutom ako. saka hindi naman ako choosy diba! haha
ako ay simpleng tao lamang. at mas gusto ko din sa mga bagay at mga tao eh ung mga simple lang. hindi komplikado. hangga’t nasasatisfy ang mga pangangailangan ko, eh masaya na ako. pero siyempre kung palagi na lang ganun ang ginagawa mo eh may posibilidad na magsawa. oo, paborito ko ang plain na pancit canton, pero hindi dahil ganun eh lagi na lang iyon ang kakainin ko. syempre iba rin kung minsan eh may iba ka naeexperience. hindi rin masamang humiling kung minsan. or pagbigyan ang mga luho sa katawan. imbis na magcanton eh pwede namang mag carbonara once in awhile. or kumaen sa mahal na mga kainan. pero ayon sa aking mga karanasan, kahit gaano mas masarap, mas masaya, o mas maganda ang isang bagay. babalik at babalik ka pa din sa mga bagay napaborito mo.
ikaw Ms. Plain! hands down, ikaw ang paborito ko ngayon. walan tatalo sayo. pero kung lagi ka ganyan, malimit wala kapag kailngan ko, magpapakita lang kapag may kelangan ka, eh ewan ko lang. kung aasa ako sayo eh baka mamatay ako sa gutom. oo natutuwa ako pag nanjan ka, pero ano sa palagay mo kapag wala ka tapos kelangan kita? syempre malungkot din no. sa mga pagkakataong gutom ako at wala ka eh natural lang na kumaen ako ng iba. eh pano kung masarapan ako sa iba? pano kung meron ako makitang Plain Pancit Canton with free Iced Tea?? Parang ikaw lang pero may bonus pa. Siyempre kahit sino eh un na yung pipiliin. Pano kung masanay na ako kay sweet and spicy dahil siya ang bumubusog sakin kasi wala ka?? hindi imposible na siya ang maging bago kong paborito.
ikaw Ms. Sweet and Spicy! Bago ka pa lang sa panglasa ko. pero kung lagi out of stock si Plain eh, eh baka magsettle na lang ako sayo at ikaw na lang ang lagi ko bibilhin.
ikaw naman Ms Hot and Spicy! sa totoo lang okay ka din naman eh, hindi sa hindi kita gusto. di ko alam pero di lang talaga kita trip. saka hindi ako magdadalawang isip na piliin ka kung ikaw na lang talaga ang nandiyan. pero for now chill ka lag muna jan. makakatiis pa ako. hindi pa ko gutom na gutom.
From Cheesy to C(h)orny
August 10, 2009“Bakit ka pa magtitiyagang pakiramdaman at hulaan ang pagtingin niya sayo, kung pwede ka namang..
mag-F.L.A.M.E.S.“
haha.
sa totoo lang ay di ka naman talaga madalas sa isipan ko. mga dalawang araw ka lang tumambay dito. kaso nung isang gabi ang kulet mo, bat mo kasi ginawa yon. ano ba talaga ha? nacucurious tuloy ako sayo. pero hindi pwede. bawal ka. haha. hindi ka kasi healthy sa health. haha. iiwas na lang ako sayo hanggat kaya para pag dumating ang isang situation na di na talaga pwede maiwasan, yung tipong no way out na talaga, e atleast masasabi ko sa sarili ko na sinubukan kung umiwas. haha
pero pag ako di nakatiis….
i gotta feeling (woohoo)
August 9, 2009wednesday, tanghali na ko nagising sa taas ng double deck na walang kutchon. di ako umuwi kagabi, lagot na naman ako neto. balak ku na umuwi pero tintamad pa ako kaya nakitext muna ako sa isang tropa para pampalipas oras. si tzi ang nakatext ko, nag end up ako papunta sa unit 16 ng vista delrey. kasama ko si coco pagpunta duon. kumaen lunch duon. cheesedog ang ulam. yey! sakto, free lunch. wala na kasi akong pera gawa natalo sa poker nung madaling araw. nakinood na rin ako ng libing ni cory at nakifacebook pa ako! haha freeloader.
kwentuhan with tzi then may nagtext kay tzi na iuwi ko na daw si coco. eh di bumalik na kami ni coco bee sa roy’s. “manggagamet ka” sabi sa kin ng isang friend. ginamit ko daw si coco para makapunta lang sa delrey. ulol ka chonnel ginamit mu pa si coco!. hehe. tambay at kwentuhan mode muna ulet tapos umuwi na si chonnel the manggagamit.
thirstday, after ng opentam namin sa engsoc, umalis na ako dahil may date daw ako. sarap! may nakakita daw sa akin na may kaholdinghands ako. woohoo, lakas mo chonnel! pagkatapos ay nag-inom daw ako mag-isa sa ic’s dahil basted daw ako. wow kanina lang may kaHH ka ah haha. at nalasing daw ako! weak you! may nagtext pa nga sakin kung kelngan ko resbak dahil napaaway daw ako. thanks, but no thanks
laseng na talaga si chonnel at naging madaldal pa. nagsasabe ng mga di dapat sabihin. bulok ka! marami pang iba kwento pero matutulog na nga lang si chonnel the mangagamet slash dater slash handholder slash boy basted slash lashengslash basagulero slash daldalero. phew
napakagandang kwento!
sana nga lang, totoo. kaso HINDI e.
unang una, hindi ku ginamit si coco para makapunta sa del rey. nayaya ako ni ats pumunta duon. so go. kasama namin sa labas si coco so naisipan ku lan siya isama para mameet naman siya ni ats. next time sabihan nyo ko manggamit may linya na ako sa inyo courtesy of tzi: “inggit ka ba sa pagpunta ko delrey? wag ka mag-alala, pwede mo kong gamitin kung gusto mo.” haha
pangalawa, wala akong date nung thursday. typical dinner with friends lamang iyon. at kung pinipilit nyu pa ring date yun, baka: (1) inggit na naman kayo (gamitin nyo na kasi ako
), (2) nakikipagdate kayo sa friends nyo, un ay kung friends nga lang ang turing nyo sa kanila, or (3) un ang konsepto nyo ng date. poor you.
pangatlo, lalong wala ako kaholding hands! bigyan mo ko chix para magkaron ako
pang-apat, yep, nag-inom ako ic’s pero hindi ako mag-isa. at lalong lalong hindi ako basted! pwede na ba ngayon mabasted ang walang nililigawan?? galing
pang-lima, walang dahilan para makipag away. weak ako eh. pero ang thoughtful mo ha, thanks sa pag-alala.
pang anim, di din po ako dumaldal. hindi nga ako lasing nung gabing yun san ba nanggaling yon? T_T apat na strong ice lang ang nainom ko, ano ako weak? asa haha
eh sumunod pa nga akong kambingan para makainom pa. sinamahan ko pa sa ministop ang isang tropa. tapos naglaro pa nga ako ng psp ng sis ko at nagshot pa ilang el hombre sa roy’s eh. bitin pa nga e. lasing ba tawag mo dun?
madami pang mga kung anu-anu kwento tungkol sakin pero nakakatamad na isa-isahin at magapaliwanag pa. saka nalimutan ku na yung iba sa sobrang dami.
TEKA.
baka kung anu isipin nyo. di ako galit sa kahit sinu or kahit asar man lang. wala lang yon at wala ako pake. di ko nga kailngan mag explain eh. pero kawawa naman tong site ko, nabubulok na, lagyan natin laman. excited pa naman si mr chepar makabasa ng susunod na entry. haha. hindi talaga ako asar. nakakagulat lan dahil grabe talaga itong linggong ‘to. andaming kwento. di naman ako sikat eh bat andami chismis. baka mamaya nasa blind items nyo na ako ha. haha
i-uupdate ko kayo sa mga susunod pang chismis. baka mamaya nanalo na ako sa lotto. o kaya may anak na ako. haha.
From Choosy To Cheesy
August 4, 2009
choosy girl: kapag ako kinasal, gusto ko engrande. sa beach gaganapin. sa boracay or cebu pwede. kaso baka mahirapan mga bisita sa transpo, so dito na lang sa mga beach sa luzon. kaw, san mo gusto ikasal?
cheesy boy: simple lang, sa tabi mo.<3
benta sakin ung hirit ni cheesy boy. balang araw, kapag naka choose na ako (2% choosy din kasi ako haha), magpapakacheesy din ako at may sasabihan din ako ng linyang yan. yikee. haha
la la la
chooo choooooooo! blog!
chooo choooooooo sabi ng tren!
sa wakas! aandar na din ang aking train of thoughts! sakay naaaaaaaa!
matagal ko na plano gumawa ng bagong blog site, yung mejo private, kasi andami ko naiisip at gustong sabihin lately. kaso lagi naman di natutuloy ang paggawa dahil wala ako maiisip na ipangalan dito. asar. buti na lang wala akong magawa nung isang gabi. amboring. naubusan ako ng gagawin sa facebook at sa lahat ng site na pinupuntahan ko. sa pagpipilit humanap ng gagawin ay nagbrowse na lang ako sa mga notes ng aking friends sa facebook at magrerepost na lang ako ng matripan kong note/s. at may nakita naman akong note na swak pampalipas ng oras. eto. ang huling tanong sa note na ito ay “Title of this post will be…” at ang nakuha kong sagot mula sa slogan generator ay: Choosy Mothers Choose Jonnell. benta sakin, at benga, nahanap ko na ang pangalan ng bago kong site
naisi[ ko na lang na paltan yung jonnell ng chonnel dahil mas karhyme ito ng choos(y/e). (saka fresh na fresh ang chonnel sakin gawa nila carla! amp! haha).
ayan, may title na tayo.
tapos…
BLOG! sabi ng tren!
chk, chk. bumunggo ang aking train of thoughts so titigil na tayo dito. haha.
bitin ba? ako din nabitin eh. kitakits na lang sa susunod na byahe
sa ngayon, choose muna kayo ng PAPA(tayin???) sa mga papa chonnels na to.
hoy! wag kayong choosy ha!!! lol =)))))







